on sLeepLess nights and empty waLLets…

<18ag2k5>

7:30pm
wakie-wakie!
nagising akong bangag. tumayo akong gumegewang-gewang. sarrrrraaaap sanang bumagsak (tipong ala-Nestea iced tea!) ulit sa kama para matulog kaso, nag-promise kasi ako kina twish at rai na pupunta akong gweilos para panoorin yung gig nila. kumain ako ng dinner.

EEEENNNNNGGGG!!! red alert! muntikan akong di payagan ng papa ko pumuntang eastwood dahil gabing-gabi na daw. buti na lang wala lang akong imik. deadma hanggang sinabi niyang ‘bahala ka nga…’

hehe, ayun nga, bahala nga ako kaya tumuloy ako. bago umalis, umutang ako kay kuya (nyehehe… iba na talaga ang pulubi. walang hiya nang gigising ng kapatid para lang umutang…).hinatid ako ni mama pagkatpos naming sunduin si ate. wala lang. ang kulit. ayaw ni papa, pero game si mama sa pag-alis ko.

grabe. nag-iba na ang eastwood. dati, nung nagtratrabaho pa ako dun, walang katao-tao. puro mga yuppies lang andun dahil sa mga bank buildings. ngayon… naks. mga pormado ang naabutan ko. makukulay ang mga ilaw. parang ibang mundo ang pinuntahan ko. tumuloy kaming starbucks tapos kwentuhan lang kami dun sandali. tapos, dahil napagod na kami sa kakaupo at sa kaka-kwentuhan, nag-timezone, este, powerstation pala, kami. ang kulit. tagal ko nang di nag-drive sa initial D. as usual, panalo ako sa mga race ko (naks! ang yabang!!! XD). nanalo ako ng 24 tickets at ang katumbas nun ay 4 na pirasong plastic balloon at 4 na marbles.

12:23am
nagpla-plastic-balloon kami ni lee habang papasok ng gweilos. ang saya kasi ang tagal-tagal ko nang di nalalasahan yung plastic balloon. napa-reminisce tuloy ako.ahhh… my childhood days. ang saya. walang kaproble-problema. my only major problem was how to get the money i’d need to buy the corn-flavored taho at the grocery.
anyway, back to the present. akyat kami tapos sisig ang naabutan naming tumutugtog. next up na ang fftc kaya steady lang kami sa isang tabi, bagbo-blowing bubbles.

hahaha, yung mga balloon namin, laging nagkakaroon ng butas dahil sa lakas ng tugtugan. nanginginig yung balloon kasabay ng bass guitar. ang cute tignan.
tinugtog ng fftc ang ‘i believe in the thing called love’ first and then lazy girl, oneself’s bitterness, and shakey’s pizza came next. after fftc came monkeyspank. aliw. pangalawang beses ko pa lang sila napapanood pero, astig talaga sila. sana makapanood pa ako ng ibang gig nila.

after monkeyspank, tuloy kami sa mister kabab. kumain ako ng keema (mmm… keema… yummm…) with plain rice. tapos, na-discover kong ang lamig pala ng drinking water na sineserve nila dun! (not to self: tubig na lang lagi ang inumin pag asa mister kabab…)

3:00am
dahil ayaw akong pauwiin ni papa ng madaling araw, tumambay na lang ako kina rai hanggang umaga.

teka lang. kwento lang ako ng kabuwisitan: sumakay kami ng jeep papuntang bahay. ako at si rai, sa maceda bababa. si twish tsaka si vida, sa may PGH. ang pamasahe papuntang PGH, 14.00 kada tao. sa maceda, 7.50 lang. so, nagbigay si vida ng P22 (kasi umutang sa kanya si rai). si twish nagbigay ng P15. sinuklian ko siya ng P1 tapos dinagdagan ko ng P6.50 ang pamasahe bago ko inabot sa batang nangongolekta ng bayad. bigla ba naman kaming sinabihan na kulang kami ng 7.50?!?! eh, hello?!
ang kelangan bayad vs. ang binayad:
(7.50×2)+(14.00×2) = 22+15+6.50
15+28=43.50
43.00=43.50

agh! buwisit! kami pa nga dapat siniuklian ng P0.50 eh! pero, di na namin ni rai naabutan kung anong nangyari sa kwentahan kasi kinailangan na namin bumaba.
tumambay lang kami sa labas ng bahay ni rai. gusto man niyang mag-bihis ng pambahay, di niya magawa kasi naka-lock yung bahay. kwentuhan kami sa labas. naglabas ako ng sama ng loob tapos, ganun din siya. kwentuhan tungkol sa pamilya, sa mga "kaibigan", kulitan, etc…

5:13am
tapos dahil sa sobrang pulubi na ako, (P1.40 na lang ang perang natira sa wallet ko, mga kababayan… huhuhu…), nagpasundo na lang ako sa mama ko. pero habang hinihintay siya, naisipan naming iinvade ang UST. naglakad-lakad kami sa UST. picture-picturan. kaso bitin, kasi dumating na mama ko. nakauwi ako ng mga bandang 6:45am.

6:45am
natulog ako. nagising na ako ng 7:46pm… ang haba ng tulog ko.
astig.

Leave a Reply